Aabot sa halos P15 milyong halaga ng tanim na marijuana ang nadiskubre ng mga otoridad sa Benguet.
Nasa 15 suspek ang inaresto ng mga tauhan ng Benguet Provincial Police Office matapos makumpiska ang 8,510 fully grown marijuana plants na may standard drug price na mahigit P1.7 million; 6,800 piraso ng marijuana seedlings na nagkakahalaga ng P272,000 at 107,000 piraso ng pinatuyong tangkay ng marijuana na nagkakahalaga naman ng halos P13 milyong.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Angelica Doctolero