Halos P18. 4 billion na hindi nagamit na pondo ang babalik sa kabang bayan kasunod nang pag-lapse o matapos ang pagiging epektibo kahapon ng Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act.
Ayon ito kay Senador Francis Pangilinan kaya’t nakabitin ang maraming programa para tugunan ang COVID-19 pandemic.
Kabilang dito aniya ang P6.6 billion na pondo para sa laboratory testing service at pagkuha ng health workers at tig-P4.6 billion na pondo para sa digital learning resources and student subsidies at service contracts para sa public transport workers.
Ilan sa mga apektado ng pag lapse ng Bayanihan 2 law ang public hospital employees sa ilalim ng alliance of health workers na una nang nadismaya sa anito’y mabagal na pag aksyon ng gobyerno kayat hindi naipalabas sa tamang oras ang P3,000 COVID-19 hazard pay nila.
Milyun-milyong piso ang kinaltas sa mga allowance ng hospital workers dahil sa late o huli nang pagpapalabas ng health benefits ng mga ito na nakasaad sa Bayanihan 2.
Una nang iginiit ng mga mambabatas ang special session para mapalawig ang validity ng Bayanihan 2.