Nagbigay ng karagdagang donasyong aabot sa $19M o P950M ang Estados Unidos sa Pilipinas para sa mga apektado ng bagyong Odette.
Ito, ayon kay U.S. Embassy chargé d’ affaires Heather Variava, ay upang makatulong sa muling pagbangon ng mga lugar na labis na hinagupit ng bagyo.
Nagpaabot din si Variava ng pakikiramay sa mga namatayan bunsod ng kalamidad.
Dahil sa panibagong donasyon, umaabot na sa $20.2M o mahigit isang bilyong piso ang halaga ng tulong na ibinahagi ng U.S. Sa pilipinas.
Samantala, nagpasalamat naman Si Foreign Affairs Secretary Teodor Locsin Jr. sa Amerika.