Halos P1M na halaga ng expired na gamot at iba pang medical supplies ang natagpuan sa isang rural health unit (RHU) sa Bacacay, Albay.
Paglilinaw ni RHU officer Dr. Merly Beltran, “non-essential drugs” ang karamihan sa mga nag-expire na gamot na hindi dapat gamitin ng mga residenteng kumukonsulta sa health office.
Samantala, hindi naman makatwiran para kay Bacacay Mayor Edcel Belleza ang insidente dahil marami ang nangangailangan ng gamot at pwede sana itong maipantulong.
Panawagan ng municipal government sa Sangguniang Bayan, magsagawa ng committee hearing sa naturang isyu.
Tiniyak naman ni Dr. Beltran na bukas ang RHU sa committee hearing.