Aabot sa dalawang bilyong piso ang mawawalang kita sa ekonomiya bunsod ng temporary shutdown ng isla ng Boracay, sa Aklan.
Ayon kay National Economic and Development Authority o NEDA at Socio-economic Planning Secretary Ernesto Pernia, magreresulta rin ang shutdown sa pagbaba ng gross domestic product na aabot sa 980 million pesos per quarter.
Pinakamatindi aniyang maaapektuhan ay ang Region 6 partikular ang tourism industry ng Western Visayas.
Sa kabila nito, kampante si Pernia na makababawi ang naturang sektor sa pangunguna ng Department of Tourism o DOT dahil marami pa namang mga destinasyon sa bansa na maaaring i-alok sa mga turista.
—-