Ipinalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang halos P26-bilyong pondo para sa regular pension ng mga military at uniformed personnel na nasa ilalim ng DND at DILG sa unang quarter ng taong ito.
Sa nasabing pondo, P14.04-bilyon ang mapupunta sa Armed Forces of the Philippines, P10.64-bilyon para sa Philippine National Police, halos P942-milyon para sa Bureau of Fire Protection at mahigit P367-milyon para sa Bureau of Jail Management and Penology.
Ipinabatid ng DBM na ang nasabing pondo ay inilagay sa Pension and Gratuity Fund sa ilalim ng 2021 general appropriations act.
Kinikilala ng DBM ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel para mapanatili ang kapayapaan sa bansa.