Aabot sa halos P400 milyon ang halaga ng puslit na sigarilyo na winasak ng mga tauhan ng Bureau of Customs Port of Zamboanga (BOC-POZ) sa barangay Baliwasan sa Zamboanga City.
Katuwang ng ahensya ang mga kinatawan mula Commission on Audit (COA), local government unit, stakeholders, partner agencies at iba pang operation units sa pagsira ng mahigit 11,219 master cases ng mga sigarilyo.
Ayon sa mga otoridad, ang pagkakasabat sa mga nabanggit na kontrabando mula sa magkakahiwalay na anti-smuggling operations sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi mula noong may hanggang November 2022 ay malaking tulong sa kampaniya ng pamahalaan na labanan ang ibat ibang uri ng iligal na aktibidad.