Nakatakdang sirain ng Bureau of Customs (BOC)-Zamboanga ang halos P400M na halaga ng smuggled na sigarilyo.
Kasunod ito ng matagumpay na operasyon ng pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Philippine Marines, Philippine Navy, National Bureau of Investigation, Joint Task Force Zamboanga, Bureau of Fire Protection, Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Internal Revenue, at mga Local Government Unit.
Nabatid na aabot sa 11,219 Master cases ng smuggled na sigarilyo ang sisirain ng BOC sa bahagi ng Pavillion, Dao sa Pagadian City na isa sa mga customs-rented warehouse sa Zamboanga City.
Ang nasabat na mga smuggled na sigarilyo ay nagkakahalaga ng P395M bunsod ng magkakahiwalay na Anti-Smuggling Operations sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-tawi na nagsimula noong may hanggang November 2022.
Ayon sa BOC, ito na ang ikalawang beses ng condemnation activity sa nasabing lugar kung saan, una nang sinira ang nasa P110M na halaga ng smuggled na sigarilyo.