Umabot na sa halos P500 million ang halaga ng danyos sa mga pananim sa probinsya ng North Cotabato dahil sa nararanasang tagtuyot.
Nasa 8,500 mga lokal na magsasaka naman ang apektado nito, hindi pa kasama ang ilang manggagawa sa mga probinsya.
Ayon kay arnulfo Villaruz, warning and action officer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, lubhang marami nang mga produkto ang naapektuhan sa naturang lugar bagama’t hindi pa kabilang sa dry condition, dry spell at drought ang North Cotabato.
Samantala, patuloy naman ang kanilang lokal na pamahalaan sa pamimigay ng ayuda sa mga magsasaka at pamimigay ng seedlings sakaling magsimula na ang tag-ulan sa susunod na mga buwan.