Arestado ang may 4 na drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) sa General Trias City sa Cavite.
Kinilala ni PDEG Director, P/BGen. Randy Peralta ang mga naaresto na sina Eman Mabandus Bongcarawan alias Eman, Norhanah Didaagun Dirampatin alyas Ada, Nur-Laila Alonto Capatangan alias Laila at Noralyn Macalangan alias Madam Tisay.
Pinangunahan ng mga operatiba ng PDEG Special Operations Unit 4A ang operasyon sa isang subdivision sa Brgy. Pasong Camachile 1 sa naturang lungsod dakong 10 kagabi.
Nakuha mula sa mga suspek ang may 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 6.8 milyong piso batay sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board (DDB).
Gayundin ang P1K isinama sa boodle money, cellphone na ginagamit ng mga suspek sa transaksyon at 3 shoulder bag na naglalaman ng samu’t saring mga ID.
Dinala sa tanggapan ng nasabing yunit ng PDEG ang mga naaresto na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)