Hinahabol na ng Manila Water ang gobyerno sa lugi nito na nagkakahalaga umano ng halos P80 bilyong piso.
Ito’y matapos maghain ng notice of arbitration ang kumpanya sa Permanent Court of Arbitration sa Singapore.
Bunsod na rin ito ng umano’y kabiguan ng Department of Finance o DOF na kilalanin ang notice of claim na inihain ng Manila Water noong April 23, 2015.
Sinasabing sa letter of undertaking na nilagdaan ng gobyerno sa pamamagitan ng DOF ay nangako itong babayaran ang Manila Water sa anumang pagkalugi na sasapitin nito sa reduction o pagbabawas sa singil sa tubig.
By Jelbert Perdez