Halos tatlong libong private vehicle na isa lamang ang sakay ang nahuli Ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA lumalabag sa expanded high occupancy vehicle traffic scheme sa unang araw ng dry run nito sa EDSA.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nahuli ang mga violator sa pamamagitan ng closed circuit television cameras sa ilalim ng “no contact apprehension policy” at mga handheld camera.
Bagaman hindi pagmumultahin ang mga lumabag sa unang araw ng implementasyon, nananawagan si Garcia sa mga motorista na sumunod sa naturang polisya.
Batay anya sa kanilang monitoring, bahagyang bumilis ang daloy ng mga sasakyan sa EDSA nang ipatupad ang HOV traffic scheme ala syete hanggang alas diyes ng umaga, kahapon.
Samantala, muling nilinaw ni garcia na layunin ng expanded HOV traffic scheme na himukin ang mga motorista na mag-carpool na lamang upang mabawasan ang volume ng mga sasakyan sa EDSA kapag rush hour.