Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili siyang neutral ngayong panahon ng eleksyon.
Ito’y upang matiyak na magiging maayos ang halalan sa Mayo a –9.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya papayagan ang karahasan ngayong panahon ng halalan.
Dapat anyang tumalima ang mga kandidato at lahat ng mamamayan sa batas upang mapanatiling mapayapa ang pagpili ng mga susunod na leader ng bansa.