Kumasa si Dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-debate kaugnay sa isyu sa arbitration case ng Pilipinas laban sa China noong 2016.
Sinabi ni Carpio na malugod niyang tinatanggap ang hamon ng Pangulo na makipag-debate kung ito ang kaniyang nais.
Ngunit nais din tiyakin ni Carpio na tototohanin ng pangulo ang kaniyang sinabi na siya ay bababa sa pwesto kapag napatunayan niyang nagsisinungaling ito kaugnay sa mga paratang sa kaniya.
Una rito, hinmano ni Pangulong Duterte si Carpio na makipagdebate sa kaniya.