Nanindigan si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na hindi siya magtutungo sa Sandy Cay para patunayan na kontrolado pa rin ito ng Pilipinas.
Reaksyon ito ng kalihim sa kabila ng hamon ni Magdalo Representative Gary Alejano na magtungo ito sa Sandy Cay at silipin ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Giit ni Cayetano , wala ng pangangailangan na gawin ito dahil malayang nakapagpapatrolya ang gobyerno at mangingisdang pinoy sa Sandy Cay.
Dagdag pa ng kalihim , nananatiling “un-inhabited” ang nasabing sanbar alinsunod sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea na nilagdaan ng Pilipinas at China noong 2002.
Kasabay nito , tinawag din ni Cayetano si Alejano at iba pang kritiko ng administrasyon na sinungaling at walang ginawa kundi mag – imbento ng kuwento para ibagsak ang pamahalaan.