Hinamon ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista si dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal na maghain ng formal complaint kaugnay sa resolusyon ng komisyon sa paggamit ng nickname ng mga kandidato.
Una nang binatikos ni Larrazabal ang pag-apruba ng COMELEC sa paggamit nina Mar Roxas at Leni Robredo ng parehong nickname na “Daang Matuwid”.
Sinabi sa DWIZ ni Bautista na ipinatutupad lamang nila ang resolusyon na naipasa noong panahon nina Larrazabal.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman Andres Bautista
Ex-COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal
Walang planong maghain ng anumang pormal na reklamo si dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal kaugnay sa pagpayag ng COMELEC na magamit bilang nickname sa balota ang campaign slogan ng administration presidential at vice presidential candidates.
Sagot ito ni Larrazabal sa hamon ni COMELEC Chairman Andres Bautista matapos kontrahin ang pagpayag ng komisyon sa paggamit ng nasabing nickname sa balota.
Sinabi sa DWIZ ni Larrazabal na pinunto niya lamang ang nakita niyang maling hakbang ng COMELEC at pinagbasehan ang kanilang ginawang resolusyon noon.
Bahagi ng pahayag ni dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal
Campaign slogan
Iginiit din ni Larrazabal na hindi uubrang gamiting nickname ang campaign slogan.
Katulad ito ayon kay Larrazabal nang paggamit ng administration presidential at vice presidential bets ng campaign slogan na Daang Matuwid bilang kanilang nickname.
Binigyang diin sa DWIZ ni Larrazabal na ang dapat gamiting nickname ng mga kandidato ay yung isa pang pangalan na kilala ito bukod sa kanilang buong pangalan.
Bahagi ng pahayag ni dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal
By Judith Larino | Karambola