Hindi pinatulan ni Senador Antonio Trillanes IV ang hamon ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito ay para mag-execute si Trillanes ng affidavit na naglalaman ng kanyang alegasyon at kung paano nito nakuha ang mga dokumento ng bank documents umano ng alkalde.
Sinabi ni Trillanes na hindi siya magpapahuli sa bitag ng alkalde dahil obligasyon niyang pangalagaan ang informants na nagbigay sa kanya ng mga dokumento matapos siyang pagkatiwalaang mapoprotektahan nya ang mga ito.
Ayon pa kay Trillanes, kahit hindi siya abogado, hindi siya ignorante para bumigay sa kagustuhan ng kampo ni Duterte kayat huwag siya anyang paandaran ng kung anu-anong teknikalidad.
Malinaw na progapanda at pakitang tao lamang aniya ang pinirmahan ni Duterte dahil general waiver ito kayat wala itong bisa at hindi magagamit para mabuksan ang bank accounts ng alkalde.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)