Hinamon naman ng Malacañang si Vice President Leni Robredo na patunayang hindi totoo ang lumalabas na ‘Leni Leaks.’
Ito ang sagot ng Malacañang sa pagtanggi ni Robredo na may kinalaman siya sa nabunyag na hakbang upang patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Marie Banaag, iginagalang nila ang naging depensa ng Bise Presidente na nakikipag-usap ito sa mga Pilipinong nasa Amerika na siyang nagkakasa ng mga pagkilos laban sa Pangulo.
Gayunman, muling minaliit ni Banaag ang nasabing hakbang at sinabing malabo itong magtagumpay dahil sa nananatiling tiwala ang mayorya ng mga Pilipino sa administrasyon.
By Jaymark Dagala