Tinawag na “tirang pikon” ng grupong Bayan ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo na pamahalaan ang ‘war on drugs’ sa loob ng anim na buwan.
Ayon kay Renato Reyes, secretary general ng Bayan, alam na alam ng pangulo na hindi puwede ang kanyang mungkahi at kung umubra man –napaka-igsi anya ng anim na buwan para malutas ang napakalawak na problema sa illegal drugs.
Gayunman, sinabi ni Reyes na posibleng may mangyari sa pangangasiwa ni Robredo sa ‘war on drugs’ kung gagawin itong tatlong taon.