Itinuturing na kabastusan ng Malakanyang ang hamon ni Vice President Leni Robredo na diretsahin na lamang siya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ayaw sa kanya nito.
Kasunod ito ng naging pahayag ng Pangulo na hindi nito pinagkakatiwalaan ang Pangalawang Pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, unethical ang naging pahayag ni Robredo dahil pagpapakita ito ng kawalan ng pagrespeto sa Pangulo na inihalal at pinagkatiwalaan ng Mayorya ng mga Pilipino.
Tila aniya pinapalabas pa ni Robredo na may utang na loob sa kaniya si Pangulong Duterte bilang Co–chair ng ICAD.
Sa kabila nito, muling sinabi ni Panelo na walang plano ang Pangulo na sibakin si Robredo ngunit maari naman itong magbitiw sa pwesto kung hindi nito kaya ang init.—ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17).