Inamin ni Golden Boy Oscar dela Hoya na hindi na siya nasopresa nang hamunin siya ng rematch ng kampo ni undefeated boxer Floyd Mayweather Jr.
Ayon kay dela Hoya, sadyang wala nang matinong makalaban si Mayweather.
Lumilitaw aniya na mas kailangan siya ni Mayweather ngayon kaysa sa kailangn niya ang wala pang talong boksingero.
Matatandaang, nitong linggo ay kinukunsidera ni Golden Boy ang posibilidad ng pagbabalik sa ring sa edad na 42 anyos.
By Ralph Obina