Naniniwala si incoming Armed Forces of the Philippines AFP Chief Lt. General Ricardo Visaya na hindi na nila kailangan pang magpatupad ng internal cleansing gaya sa PNP.
Ayon kay Visaya, walang rason upang magpatupad ng internal cleansing sa kanilang hanay dahil mas disiplinado na ang militar kumpara noong 25 taon na ang nakararaan.
Ilan taon na anya silang nagpapatupad ng transformation sa kanilang hanay dahilan upang mas maging propesyunal ang mga sundalo.
Idinagdag din ni Visaya na marami na silang natutunang aral sa mga nakalipas na taon na kanilang ginagamit para mas maging mahusay ngayon.
By Drew Nacino | Jonathan Andal (Patrol 31)