Emosyunal na humarap kay PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa ang 3 heneral na sinasabing protektor umano ng mga sindikato ng iligal na droga
Malungkot at nangingilid pa ang luha ni Dela Rosa habang nakikisimpatiya sa kalagayan nila C/Supt. Joel Pagdilao, Edgardo Tinio at Bernardo Diaz
Ayon kay PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos, normal lamang sa isang tao ang pag-iyak lalo na kung may pinagdaraanang matinding pagsubok sa buhay
Aminado rin si Carlos na ikinalungkot din ng buong hanay ng pulisya ang naturang pangyayari at iniisip kung paano muling babangon pagkatapos ang ginagawang paglilinis sa kanilang hanay
By: Jaymark Dagala