Mariing tinutulan ni Senadora Leila De Lima ang planong pagpapabalik sa Oplan Tokhang.
Sinabi ni De Lima na magiging malaking palantandaan ng pagiging arogante ng administrasyong Duterte kung hindi muna aayusin ang mga depekto ng aniya’y murderous na kampanya kontra iligal na droga bago ito ibalik.
Sinabi rin ng senadora, dapat ding linisin muna ang hanay ng Philippine National police o PNP mula sa mga tiwaling tauhan at papanagutin ang mga sangkot sa mga pagpatay.
Giit ni De Lima, tutol siya sa drug trafficking pero hindi dapat hayaan ang mga inosente na mapatay sa gera ng gobyerno laban sa droga.
Para kay De Lima, dapat nang ibasura ang oplan double barrel dahil maraming umabuso sa implementasyon nito at humanap na lang ng drug campaign na gumagalang sa karapatang pantao.
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno