Posibleng ideklara ang Hand Foot and Mouth Disease Outbreak sa buong bansa kung patuloy na kakalat ito sa mas maraming rehiyon.
Taliwas ito sa sinabi ng DOH na hindi pa nakikita ang pagdeklara ng outbreak dahil sa sakit.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, nagsimula itong kumalat nuong Oktubre sa San Pascual, Batangas na mayroong 105 kaso.
Mayorya sa mga nagpositibo sa nasabing virus ay nasa edad isa hanggang 16.
Nuong nakaraang buwan, nakapagtala naman sa Albay ng 540 na kaso ng HFMD na naglalaro sa edad 1 -10 habang sa Ilocos Region naman, nakapagtala ng 145 na kaso na naglalaro naman sa 4-9na taong gulang.
Samantala, naiulat naman sa Metro Manila ang nasa 155 na kaso ng HFMD mula October- December 6 kung saan ang mga tinamaan naman ay nasa edad 11 pababa.