Handa ang Philippine Navy na bigyan ng seguridad ang mga mangingisda sa Scarborough Shoal.
Ito’y kasunod ng pagpabor sa Pilipinas ng International Arbitration Court sa kasong isinampa nito laban sa China.
Pero duda si Defense Secretary Delfin Lorenzana na iuutos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Navy na eskortan ang mga mangingisda sa Zambales.
Pasok naman, aniya, kasi ang Scarborough Shoal sa Exclusive Economic Zone ng bansa.
Paliwanag pa ni Lorenzana, hindi Philippine Navy kundi Coastguard ang dapat magbigay ng seguridad sa mga mangingisda.
Gayunman, nilinaw ng kalihim na hindi nila pinag- uusapan ngayon ang pag-escort ng mga otoridad sa kung sino mang indibidwal sa West Philippine Sea.
Sa ngayon, pinag-aaralan pa, aniya, nila ang mga gagawin nilang hakbang para hindi mapalala ang sitwasyon sa pinag aagawang teritoryo sa nasabing rehiyon.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal