Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11227 o Handbook for OFW Act of 2018.
Nuon pang Pebrero 22 ito nilagdaan ng pangulo ngunit ngayon lamang araw isinapubliko ng Malakanyang.
Sa ilalim ng bagong batas, inaatasan nito ang POEA o Philippine Overseas Employment Administration na bumuo at maglathala ng handbook para sa mga mangaggawang Pilipino na nagta trabaho sa ibang bansa.
Lalamanin nito ang mga karapatan at responsibilidad ng mga OFW.
Layon ng naturang batas na i-empower ang mga OFW sa pamamagitan ng pagpapaalam sa kanila ng kanilang mga karapatan gayundin ang ilang pangunahing impormasyon sa labor at living condition sa pinuntahan nilang bansa.