Wala pang planong magdeklara ang Deparment of Health (DOH) ng outbreak sa kumakalat na hand, foot and mouth disease sa San Pascual, Batangas.
Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, patuloy ang kanilang mga health workers sa DOH Region 4 sa pagkolekta ng iba pang mga samples.
Maliban pa ito sa una na nilang naipadala aniya sa research institute for tropical medicine para isailalim sa pagsusuri.
Magugunitang, mahigit 100 bata sa San Pascual, Batangas ang nagkaroon ng mga pantal at singaw na sintomas ng nasabing sakit.