Sumiklab ang panibagong engkwentro sa main battle area sa Marawi City.
Tumagal ng lima hanggang sampung minuto ang putukan.
Ayon kay Task Force Ranao Col. Romeo Brawner, posibleng sangkot dito ang mga nagtatago pang miyembro ng Maute terrorist group na napilitang lumabas dahil sa labis na kagutuman.
Ito aniya ang nakaengkwentro at napatay ng mga tauhan ng Philippine Army.
Sa kabila ng nangyari ay wala namang anunsyo ng ukol sa tigil-operasyon.
—-