Hindi na maaalis sa anino ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang madilim na kasaysayan ng Martial Law.
Ito, ayon sa historian na si Professor Van Ybiernas ng De La Salle University, ang dahilan kaya’t hindi pa rin humuhupa ang galit ng mga anti – Marcos kahit ilang dekada na ang nakalilipas.
Sa halip aniya matalakay sa mga paaralan kung ano ang mga nagawa para sa bansa ni Marcos, laging sumusentro ang usapin sa negatibong epekto sa mga mamamayan ng kanyang administrasyon.
Anong ginawa niya para sa ating bansa kasi simulan mo pa lang ng word ng ‘Martial Law’ ang dami na kaagad triggered… triggered na on both sides.
Ang nangyayari, hindi pa rin talaga settled kung papaano titingnan ‘yung Martial Law kasi hanggang ngayon talagang nandun pa rin ‘yung galit nung iba.
Ang hirap kasi siyempre ‘pag history kailangan hayaan muna mag – subside ‘yung hysteria.