Hindi babalik sa pamamasada ang nasa isanlibong PUV drivers na kasama sa ‘transport holiday’ sa Negros Occidental hangga’t patuloy na mataas ang presyo ng langis.
Ito ang babala ng United Negros Drivers and Operators Center (UNDOC sa gitna ng lumiliit na kita ng mga driver.
Ayon kay Diego Malacad, Secretary General ng UNDOC, halos 20% ng kanilang mga miyembrong tsuper na ang tumigil na sa pamamasada.
Marami anya sa kanila ang nagtrabaho na lang bilang mga construction worker o nangingisda at tumutulong sa mga sakahan para may ipakain sa kanilang mga pamilya.
Samantala, umapela naman si Malacad sa mga operators na huwag patawan ng parusa ang mga driver kung pansamantalang maghanap ang mga ito ng ibang trabaho.