Unti–unti nang bumubuti ang kalidad ng hangin sa Metro Manila kasunod ng makapal na ashfall mula sa bulkang Taal.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, karamihan sa mga syudad sa kalakhang Maynila ay nakakuha ng good na rating matapos na sukatin ang particulate matter 10 o pm10 sa bawat lugar.
Kabilang dito ay ang San Juan, Makati City, Mandaluyong City, Pateros, Las Pinas, Malabon, Paranaque at Pasig.
Habang moderate to fair naman ang naitalang kalidad ng hangin sa Taguig City.
Una nang ibinabala ng DOH na delikado na ma- inhale ng mga tao ang abo na galing sa bulkan dahil posible itong magdulot hirap sa paghinga at iba pang komplikasyon.