Bahagyang humina ang hanging Amihan na nagdadala ng malamig na hanging tuwing Pasko
Ayon sa PAGASA, sa Martes o Miyerkules inaasahang muling lalakas ang Amihan na aabot hanggang Metro Manila
Samantala, ngayong araw ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang silangang bahagi ng northern Luzon dahil sa buntot ng cold front
Habang sa Visayas at Mindanao naman, magdadala ng pag-ulan at thunderstorms ang ITCZ o Intertropical Convergence Zone
Wala namang binabantayang bagyo o low pressure area sa bansa ang PAGASA
Isa o dalawang bagyo naman ang inaasahan bago matapos ang taong ito