Bahagyang hihina ang hanging amihan o northeast moonsoon at makakaapekto na lamang ito sa bahagi ng Northern at Central Luzon.
Posible namang ulanin ang bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley pati narin sa bahagi ng Central Luzon.
Asahan naman na magiging maaliwalas ang panahon sa Metro Manila pati narin sa nalalabing bahagi pa ng Luzon pero may tiyansa ng panandaliang pag-ulan pagsapit ng tanghali at hating gabi.
Dahil parin sa easterlies, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan ang Visayas at Mindanao maging sa bahagi ng Caraga at Bicol Region bunsod ng localized thunder storm.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23°C hanggang 30°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:22 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:58 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero