Inaasahang mararamdaman na ang hanging amihan o northeast monsoon sa northern Luzon dahil sa pagtatapos ng habagat.
Ayon sa PAGASA, posibleng magsimula ngayong linggo o sa huling bahagi ng Oktubre ang amihan at indikasyon nito ang mahinang mga pag-ulan.
Isa rin sa hudyat na papasok na ang northeast monsoon ang pagiging madalang ng thunderstorms.
Karaniwang nagsisimula ang ‘amihan’ sa Siberia, Russia bilang malamig at tuyong hangin na umiihip patungong Pacific Ocean at South East Asia kabilang ang Pilipinas.
Dahil dito, asahan na rin ang unti-unti pagbaba ng temperatura na indikasyon din ng papalapit na Pasko.
By Drew Nacino