Posibleng sa ikalawang bahagi ng Oktubre ay mararamdaman na ang hanging amihan.
Ayon kay Jun Galang, weather forecaster ng PAGASA, ito ay matapos pormal na nilang ideklara ang pagtatapos ng tag – ulan, sa bansa, kahapon.
Sinabi ni Galang na mayroon pang inaasahang dalawa hanggang limang bagyo na papasok sa bansa.
“Light rains dito sa may part ng Northern Luzon, meron din pong malalakas na ulan kapag ‘yung tinatawag natin na tail end ng cold front ang umiral, dahil nasa El Niño tayo, medyo mababawasan ang mga posibleng pumasok na bagyo, from October isa hanggang dalawa, November ganun din po, December zero or 1.” Pahayag ni Galang.
Weather Today:
Magiging maganda ang lagay ng panahon sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.
Maaliwalas din ang panahon sa Visayas, maliban lamang sa Dumaguete at Samar na makararanas ng mahinang pag-ulan.
Mas maulan naman sa Mindanao dahil sa Inter Tropical Convergence Zone o ITCZ.
By Mariboy Ysibido | Katrina Valle | Ratsada Balita