Nakakaapekto parin ang hanging ‘amihan’ sa malaking bahagi ng Luzon pero dahil mas mahina ito ngayon, nakakapasok ang easterlies sa Southern Luzon at Metro Manila pero hindi umano magtatagal dahil nagbabadya ang mas malamig na northeast moonsoon.
Uulanin din ang eastern section at Central Visayas dahil parin sa easterlies.
Generally fair weather naman ang western part ng Visayas at western part ng Mindanao pero may tiyansa ito ng mga pulo-pulong pag-ulan at thunderstorm partikular na sa hapon o gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 30°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:22 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:58 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero