Muling mararamdaman ang Northeast Moon Soon o hanging amihan at asahan na magdudulot pa ito ng malamig na panahon na may kasamang pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon kasama na diyan ang Metro Manila.
Ayon kay Weather Specialist Grace Castañeda, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang namataang Low Pressure Area (LPA) kaninang alas tres ng madaling araw sa bisinidad ng Talacogon, Agusan Del Sur.
Sa huling tala ng PAGASA, nananatiling mababa ang tiyansa nito na maging bagyo pero asahan na patuloy itong magdudulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao maging sa bahagi ng Bicol Region.
Patuloy din nitong tatahakin ang bahagi ng visayas at mindanao patungong Sulu at posibleng magdulot ng pag-ulan sa mga susunod pa na araw sa bahagi naman ng Palawan.
Dahil dito, nagpaalala sa publiko ang pagasa na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa ngayon, patuloy paring minomonitor ng ahensya ang lagay ng panahon at LPA.— sa panulat ni Angelica Doctolero