Pormal ng inanunsyo ng pag asa ang pagsisimula ng Amihan season sa bansa.
Ayon sa kay PAGASA Administrator Dr. Vincent Malano, sa ngayon ay umiiral na ang malamig na panahon sa mga baybayin ng hilagang Luzon.
Ito aniya ang indikasyon na pormal nang nagsimula ang Northeast Monsoon o Amihan season sa bansa.
Dagdag pa ng PAGASA, dahil dito ay asahan na ang mas malamig na panahon sa mas maraming lugar sa bansa sa mga susunod na araw.
Matatandaang sa buwan ng Enero at Pebrero kadalasang nararamdaman ang pinakamalamig na temperatura sa bansa.