Patuloy na makakaapekto ang hanging amihan sa hilagang Luzon kaya’t asahan ang posibilidad ng mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan partikular na sa Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region o CAR at Ilocos Region.
Makakaranas din ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, MIMAROPA, CALABARZON, Central at Southern Luzon.
Asahan naman na magiging maaliwalas ang bahagi ng Visayas at Mindanao pero posibleng ulanin na may kasamang pagkulog at pagkidlat lalo na sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23°C hanggang 31°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:19 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:01 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero