Patuloy paring mararanasan ang epekto ng hanging amihan sa silangang bahagi ng Luzon.
Makakaapekto parin sa Luzon ang Low Pressure Area (LPA) partikular na sa Palawan habang magiging maaliwalas naman ang panahon sa natitirang bahagi pa ng Luzon kasama na ang Metro Manila.
Magiging maulap naman ang kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa buong bahagi ng Visayas maging sa Zamboanga Peninsula.
Inaasahan naman na magiging maganda ang panahon sa Mindanao pero posibleng ulanin sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:08 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:05 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero