Mararamdaman parin ang epekto ng hanging amihan lalong lalo na sa mga lalawigan sa silangang bahagi ng Luzon.
Asahan na may maulap at mahihinang mga pag-ulan sa Cagayan Valley hanggang sa bahagi ng Aurora, Quezon province at Bicol region.
Magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang natitirang bahagi ng Luzon kasama na dito ang Metro Manila.
Sa ngayon, mababa parin ang maximum temperature lalong lalo na sa bahagi ng Tuguegarao na expose sa hanging amihan.
Makakaranas parin ng maulap na may pag-ulan sa eastern Visayas at Southern part ng Mindanao.
Generally mainit pero medyo maalinsangan ang natitirang bahagi ng bansa.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:17 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:02 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero