Mararanasan parin ang epekto ng hanging amihan sa dulong hilaga ng Luzon partikular na sa lalawigan ng Cagayan.
Apektado naman ng Low Pressure Area (LPA) ang bahagi ng Bicol region kayat magiging maulap parin sa nabanggit na rehiyon na makakaranas ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Samantala, inaasahang patuloy na kikilos pakanluran at maaapektuhan parin ang buong Visayas kabilang na ang Tacloban, Iloilo at Cebu maging ang bahagi ng Mindanao.
Makakaranas ng maulap na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Cagayan de Oro, Davao at Zamboanga.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23°C hanggang 33°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:08 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:05 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero