Nakakaapekto pa rin sa buong bansa ang northeast monsoon o hanging amihan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maulap na kalangitan na may mahinang mga pag-ulan ang inaasahan sa Metro Manila, mga rehiyon ng Cagayan Valley, Ilocos, Cordillera, Gitnang Luzon, Silangan at Gitnang Kabisayaan, Caraga, Davao at lalawigan ng Quezon na magiging katamtaman ang mga pag-ulan sa lalawigan ng Aurora.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mahinang mga pag-ulan ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa buong kapuluan na may katamtaman hanggang sa maalong karagatan.
By Jelbert Perdez