Unti-unti nang mararamdaman ang paglamig ng panahon sa susunod na buwan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil sa paghina ng habagat pagpasok ng Oktubre habang nagkakaroon ng transition naman sa pagpasok ng amihan.
Ganap namang mararamdaman ang malamig na panahon bago matapos ang Oktubre.
Sa ngayon ay mararanasan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas at southern part ng Mindanao dahil pa rin sa presensya ng habagat na inaasahang hihina na sa mga susunod na linggo.