Magdudulot ngayong araw ng maulap na papawirin, panaka-nakang pag-ulan at pagkidlat ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa mga lugar ng Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, at Bataan.
Habang bahagya namang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pabugso-bugsong pagbuhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa dulot ng localized thunderstorms.
Pinag-iingat naman ng PAGASA ang mga naninirahan sa mga matataas at mabababang lugar dahil sa posibleng pagbaha o landslides na maaring mangyari dahil sa sama ng panahon.
Mahina hanggang sa maalon na karagatan naman na karagatan ang maaring maranasan sa Western at Northern sections ng Northern Luzon, at may kahinaan naman sa mga nalalabing lugar sa Luzon.
Samantala, nakalabas na kagabi ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si severe tropical storm Igme na may international name na Bavi, at dakong alas tres ng madaling araw kanina ay namataan ito sa layong 620 km North-Northeast ng extreme Northern Luzon, na may maximum sustained winds na 100 kph at pagbugsong umaabot sa 125 kph.