Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Luzon area partikular na sa Bicol Region at MIMAROPA Area.
Magkakaroon naman ng maaliwalas na panahon ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon maliban na lamang sa mga isolated rain showers o thunderstorms.
Ayon kay Pagasa weather specialist Raymond Ordinario, magiging madalas ang thunderstorm sa nalalabing bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila dahil parin sa hanging habagat na maaaring magpatuloy sa mga susunod na araw.
Magiging maulap parin ang kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa buong bahagi ng Visayas at Zamboanga Peninsula.
Asahan naman ang maaliwalas na panahon sa nalalabing bahagi ng Mindanao maliban na lamang sa mga isolated rain showers o localized thunderstorm.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24 hanggang 30 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:32 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:29 ng hapon.