Nakakaapekto pa rin sa kanlurang bahagi ng Luzon ang hanging habagat.
Dahil dito, sinabi ni PAGASA Weather Forecaster Lori dela Cruz na makakaranas ng maulap na may dala mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, kanlurang Kabisayaan at Palawan.
Ang Metro Manila naman at ang mga nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng fair weather maliban na lamang na lamang sa mga pulo-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Wala namang namamataang sama ng panahon sa loob ng PAR o Philippine Area of Responsibility at wala ring gale warning na nakataas sa anumang parte ng ating mga baybaying dagat.
By Jelbert Perdez