Posibleng makalabas na ng ospital ngayong araw si Hannah Furigay, isa sa mga biktima ng ateneo shooting incident at anak ni dating Lamitan City Mayor Rosita Furigay na kabilang sa tatlong nasawi.
Kabilang si Hannah sa mga ateneo law students na lalahok sana sa graduation ceremony pero naunsyami matapos ang pamamaril ni Dr. Chao Tiao Yumol.
Bukod sa nakatatandang Furigay, patay din insidente ang aide ng dating alkalde na si Victor Capistrano at Ateneo De Manila University Security Guard na si Jeneven Bandiala.
Aminado si Kelsey Furigay, kakambal ni Hannah, na hiniling ng kaniyang kapatid na makapunta sa burol ng kanilang ina at makadalo sa libing nito.
Sa susunod na linggo ay nakatakda ang ikalawang operasyon sa colon ni Hannah habang wala pang petsa kung kailan dadalhin ang labi ng kanyang ina sa Lamitan.