Kinilala ng TOFIL the Outstanding Filipino Awards 2022 ang kontribusyon ni SM Prime Holdings Executive Committee Chairman Hans Sy sa nation building at resiliency sa bansa sa pamamagitan ng sustainability at disaster risk reduction.
Si Sy ay kinilala ng TOFIL Awards dahil sa tagumpay nito sa pagkakasa ng sustainability at resilience sa framework ng operasyon ng SM Group.
Sa ilalim ng pamumuno ni Sy, ang SM ay nagkaroon ng malaking papel sa pagtulong sa mga nasalanta ng mga kalamidad at pagbibigay ng tulong sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga hakbangin nito tulad ng SM Yolanda Housing Program at Covid-19 vaccination programs.
Bukod pa ito sa pagtulong ni Sy na mabuo ang Arise Philippine Network na nagsusulong ng mas maraming public private partnerships para sa capacity building, technological innovation at sustainability sa mga komunidad.
Binigyang diin ni sy ang mga leksyong itinuro ng yumaong amang si Henry Sy, Sr. tulad ng kahalagahan ng goodwill at inclusivity na nagtulak sa kanyang makatulong sa kapwa at mapaganda ang buhay ng mga ito sa pamamagitan ng sustainability, disaster preparedness at infrastructure resiliency programs ng SM.
Ang aniya’y first-hand experience niya sa mga kalamidad at rehabilitasyon ang nagbigay pa sa kaniya ng motivation para suportahan ang disaster resiliency sa lahat ng mga ginagawa nila sa SM Group kung saan tutok sa operasyon ng grupo ang sustainabilty at resiliency.
Sinabi pa ni Sy na pinangarap niya ang resilient at sustainable society para pakinabangan ng mga susunod na henerasyon kung saan aniya walang maiiwan at makakaasa ng ligtas at magandang bukas ang lahat.
Bukod kay Sy, pasok din sa TOFIL awards 2022 sina DPWH Undesercretary Maria Catalina Estamo Cabral, Public Attorney’s Office Chief Dr. Persida V. Rueda-Acosta, Horticultural Innovator and Scientist Dr. Ruben L. Villareal at ang pioneer ng Imaginative Figurism in the Philippines na si Nemesio r. Miranda Jr.
Ang TOFIL Awards na katumbas ng nobel prize ay itinatag nuong 1988 ng JCI Senate Philippines para isulong ang pagkilala sa natatanging achievement at kontribusyon sa public welfare at community building ng mga Pilipino.
Inihayag ni Civil Service Commission Chairperson Karlo Alexei B. Nograles na pinili ang mga honoree base sa kanilang character, integrity at impact ng kanilang achievements sa kanilang field of work kung saan ang tema ng TOFIL Awards ngayong taon ay resiliency in rebuilding our nation.